Duterte sa NBI: Imbestigahan ang overpricing ng mga medical equipment

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang lokal Omnibus Corporation, isang lokal na distributor ng test kits na binili ng pamahalaan para sa Department of Health (DOH), dahil sa alegasyon ng overpricing.

Pinuna rin ni Senador Panfilo Lacson ang nasabing overpricing at ibinigay na halimbawa ang pagbili ng automated extraction machine mula sa manufacturer na Sansure Biotech sa halagang P4 milyon kahit nagkakahalaga lamang ito  ₱1.75 milyon.

Unang iniulat na ginawang centralized ni DOH Secretary Francisco Duque III ang lahat ng pagbili ng test kits at machines sa pamamagitan ng Omnibus Corporation, kung saan sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na eksklusibong distributor ang nasabing kumpanya ng Sansure Biotech. Ang “Omnibus” ay pag-aari di umano ng mag-asawang sina Van William at Emily Co. Itinanggi ni Duterte na kilala niya ang mag-asawa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque,  ang ginagawang profiteering scheme ay labag sa Price Act at Bayanihan to Heal as One Act.

LATEST

LATEST

TRENDING