Duterte, inako ang responsibidad sa isyu ng overpricing sa medical equipment

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang IATF-EID

Dinepensahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Health (DOH) sa pagkakaharap nito sa alegasyon ng overpricing sa pagbili ng mga personal protective equipment (PPE) at testing machines na kinakailangan sa laban kontra Covid-19.

Iginiit ni Duterte na huwag sisihin si DOH Secretary Francisco Duque III dahil sumusunod lamang ito sa kanyang mga utos, Inako ng pangulo ang responsibilidad hinggil sa isyu.

Aniya, “So gusto ko lang malaman ng sambayanang Pilipino na I take full responsibility, na ang utos ko na dalian mo, wala akong pakialam kung saan ka magkuha, magnakaw ka, and I remember saying it. I do not care whether you go and steal, borrow or kill a person to get what needs to be done”.

Sa parehong pagpupulong, ipinakita ni Department of Budget Management (DBM) Usec. Lloyd Christopher Lao ang isang 9-piece PPE set na binili ng pamahalaan para sa mga frontliners. Ayon kay Lao, ang pinakamahal na item sa set ay ang “Ebola-level” suit, na may kakayananng pigilan ang “air transmissible viruses”.

Ang nasabing suit ay “heat-sealed” na mas makapagbibigay ng proteksyon sa nagsusuot. Nagkakahalaga ito ng P1,100, mas mahal sa mga lokal na gawa na nagkakahalaga lamang ng P850. Sinabi rin ni Lao na mag-uumpisang mag-import ng materyal galing Tsina ang ang lokal na mga producers sa pagggawa nito ng mga PPE.

Noong nakaraang linggo, kinuwestyon ng Senado ang DOH at DBM dahil sa isyu ng overpricing ng mga testing machines, PPE, at test kits. Isang pribadong kumpanya di umano ang bumili ng nucleic acid extractors, na ginagamit sa pagproseso ng Covid-19 tests, sa halagang P1.75 milyon lamang habang ang pagkakabili ng DOH sa parehong makina ay nasa P4 milyon.

Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa naturang overpricing scheme.

LATEST

LATEST

TRENDING