Duterte, buo pa rin ang tiwala kay Duque

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte (kaliwa) at DOH Secretary Francisco Duque III (kanan)

Matapos umalingawngaw ang usapin tungkol sa pagsibak kay Secretary Francisco Duque III bilang pinuno ng Department of Health (DOH), inabisuhan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kalihim na huwag dibdibin ang mga pambabatikos.

“Huwag ka masyadong touchy sa mga issues, because always there will be (dahil nagkakaroon palagi ng) pros and cons”, tugon ni Duterte kay Duque sa pagpapupulong ng  Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) noong Mayo 25. Dagdag pa ni Duterte,  “Pakinggan nalang natin because this is a democracy (dahil demokratiko ang sistema natin)”.

Naunang nagpadala ng liham ang Private Hospitals Association of the Philippines, Inc. sa pangulo na nagrerekomenda sa pagtanggal kay Duque sa puwesto dahil sa pagkaantala sa paglabas ng interim reimbursement mechanism, na tumatayo bilang ayudang pinansyal sa mga ospital na tinamaan ng Covid-19.

Noong Abril, naglabas din ng resolusyon ang Senado tungkol sa pagpapatalsik kay Duque dahil sa kapabayaan nito sa pamamalakad ng DOH.

Gayunpaman, nananatili pa rin ang tiwala ng pangulo kay Duque at wala itong balak na palitan siya bilang DOH Secretary anumang oras.

Umani rin ng batikos ang kalihim dahil sa pagsabi nitong nasa pangawalang bugso na ng Covid-19 infections ang bansa. Nilinaw naman niya ito at sinabing nasa  “first major wave of sustained community transmission” ang Pilipinas. Ipinaliwanag nito na ang nagdulot ng unang bugso nga Covid-19 infections sa bansa ay ang tatlong nagpositibong Chinese nationals mula Tsina.

LATEST

LATEST