Duterte: Bakuna muna bago balik-eskwela

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Hindi pinapayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang muling pagbubukas ng mga klase hangga’t hindi pa dumarating ang bakuna kontra Covid-19.

Aniya, “I will not allow the opening of classes (Hindi ko papayagan ang pagbubukas ng klase) na magdikit-dikit ‘yang mga bata”. Dagdag pa,  “Bahala nang hindi na makatapos, for this generation, wala nang matapos na doktor pati engineer. Wala nang aral, laro na lang. Unless I am sure that they are really safe, it’s useless to be talking about the opening of classes (Hangga’t hindi pa ligtas, hindi pa maaaring magbalik-eskwela). Para sa akin, bakuna muna. Kapag nandiyan ‘yung bakuna, okay na”.

Nagbabala rin ang ilang mambabatas laban sa planong pagbubukas ng klase sa Agosto 24 habang wala pang natutuklasang bakuna laban sa nakamamatay na sakit.

Iginiit naman ng Malacañang sa publiko na magiging “flexible” ang pamahalaan sa pagpapatupad nito ng klase upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral.

 “Well, alam ninyo po, flexible naman po tayo eh. Although we have said that August 24 is the date of school opening, that assumes na at least GCQ (general community quarantine) na po ang sitwasyon ‘no. Kung talagang come August 24 ay may mga lugar pa rin na under MECQ (modified enhanced community quarantine) or bumalik sa ECQ (enhanced community quarantine), na mayroon talagang posibilidad dahil nga binabalewala ang social distancing, eh baka wala pa rin pong klase iyan,” wika ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

LATEST

LATEST

TRENDING