ALAMIN: Ika-9 na ulat ni Duterte sa Kamara

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Isinumite ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ika-9 na lingguhang ulat niya sa Kongreso noong Mayo 25 alinsunod sa nakasaad sa Bayanihan to Heal as One Act. Narito ang ilang natatanging bahagi ng naturang ulat:

  • 97.35% (17.3 milyon) mula sa kabuuang 17.9 milyong benepisyaryo, ang nabigyan ng ayudang pinansyal mula sa unang bugso ng Social Amelioration Program (SAP). 475,693 pang benepisyaryo ang hindi pa nabibigyan.
  • 3.05 milyon mula sa 3.4 milyong apektadong manggagawa ang nakatanggap ng ayudang pinansyal mula sa unang bugso ng Small Business Wage Subsidy Program ng DOLE.
  • Nakapagbigay ang Balik-Probinsiya program ng P5,000 ayudang pinansyal at vegetable gardening kits sa mga benepisyaryo. Hindi naman nabanggit kung anong livelihood program ang puwedeng makuha ng mga nais lumahok.
  • Iniulat ng TESDA na 28,725 na mga estudyante ang nabigyan ng mahigit P10,000 na training allowance para sa kabuaang P301 milyon.
  • Inirekomenda ng PCOO ang Intercontinetal Broadcasting Corporation (IBC-13) network upang tugunan ang panukalang alternative broadcasting-based education ng ng DepEd.
  • Mayroong 3,368 treatment at monitoring facilities sa buong bansa at nasa 42,798 ang datos ng bed capacity. Subalit, 11,458 lamang ang makakatugon sa bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Covid-19. Base sa huling tala ng DOH, mahigit 14,000 na ang nagpopositibo sa nakamamatay na sakit.
  • Sa datos noong Mayo 20, 259,172 tests na ang naisagawa ng pamahalaan sa average na 9,096 tests bawat araw.
  • 24 na mga ospital ang kalahok sa Solidarity Trials ng World Health Organization (WHO)

Basahin ang kabuuan ng ika-9 na ulat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso:

LATEST

LATEST

TRENDING