Pilipinas, lalahok sa vaccine trials sa dulo ng taon – Malacañang

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Presidential Spokesperson Harry Roque

Lalahok ang Pilipinas sa clinical trials para sa bakuna kontra Covid-19 sa dulong bahagi ng taon, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Kamakailan ay inaprubahan ng pamahalaan ang partisipasyon ng bansa na pangungunahan ng sub-technical working group mula Department of Science and Technology (DOST). Ang naturang group ay makikipag-ugnayan sa Department of Health (DOH), World Health Organization (WHO), at Food and Drug Administration (FDA).

Ayon kay Roque, DOST group ay inatasang magbalangkas ng mga pamantayan tungkol sa vaccine clinical trials; tukuyin ang mga lugar, institusyon, at mga mananaliksik na ipapabilang; at tulungan ang mga kalahok na institusyon sa kanilang mga mungkahi at badyet.

Susuriin naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga rekomendasyon ng DOST tungkol sa pagtatatag ng Virology Science and Technology Institute, at pagbabalik operasyon ng Pharmaceutical Development Unit ng DOST-Industrial Technology Development Institute.

Ayon sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATD-EID), ang dalawang research centers na ito ay makatutulong upang palakasin ang mga pag-aaral ng bansa tungkol sa mga bakuna. Nabanggit din ng task force na makikipag-ugnayan ang bansa sa Chinese Academy of Sciences, China National Pharmaceutical Group o Sinopharm, Adimmune Corporation at Academia Sinica.

Samantala, sinabi ng World Health Organization (WHO) na maaaring dumating ang bakuna kontra Covid-19 sa loob ng 18 buwan. Kasama rin ang Pilipinas sa gaganping “solidarity trial” na pinagungunahan ng WHO.

LATEST

LATEST

TRENDING