Duque, mananatili sa puwesto bilang pinuno ng DOH

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte (kaliwa) at DOH Secretary Francisco Duque III (kanan)

Binigyang linaw ng Malacañang na mananatili si Department of Health Secretary (DOH) Secretary Francisco Duque III sa puwesto hangga’t hindi ito tatanggalin mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ay matapos maiulat na gusto na di umanong palitan ng pangulo ang kanyang napiling mamuno sa DOH.

“Habang di pa po natatanggal eh mayroon pa pong trust and confidence”, giit ni Presidential Spokerperson Harry Roque. Nabanggit ito ni Roque matapos iulat sa isang pahayagan ang usapin tungkol sa pagpapatalsik kay Duque sa puwesto.

Noong nakaraang linggo, umani ng batikos si Duque matapos nitong sabihin na nasa pangalawang bugso na ng Covid-19 krisis ang Pilipinas, isang pahayag na tinanggihan ng Malacañang.

Gayunpaman, nananatili ang tiwala ni Duterte sa kasalukuyang kalihim ng DOH. Sinabi naman ni Duque na haharapin niya ang lahat ng mga pagbabatikos sa kanya sa tamang panahon.

Aniya,”I will continue to serve the country to the best of my abilities…We will answer these allegations in due time. But right now, we will continue to be in the trenches with our health care workers and frontliners (Ipagpapatuloy ko ang paglilingkod sa bayan sa abot ng aking makakaya… Sasagutin ko ang mga alegasyon sa tamang panahon. Sa ngayon, tutugunan muna natin ang pangangailangan ng ating mga health workers at frontliners)”, pagbibigay diin ni Duque noong Abril.

LATEST

LATEST

TRENDING