Inaasahan ang pagbabalik operasyon ng Santolan, Katipunan at Anonas stations ng Light Rail Transit-2 (LRT2) sa dulo ng Hunyo matapos itong ipasara ng ilang buwan dahil sa pagkasunog ng isang power rectifier noong Oktubre 2019, ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Ang itinakdang petsa ay mas maaga ng isang buwan kumpara sa naunang ibinalitang maaaring abutin ng siyam na buwan ang tigil-operasyon, ayon kay LRTA Spokesperson Hernando Cabrera.
Ibununyag din ng DOTr na kumalap na ang pamahalaan ng equipment para sa pagpapaayos ng nasirang linya. Dagdag pa, ang delivery, installation at testing ng naturang equipment ay mangangailang ng “significant repair period.”
Matatandang natupok ng apoy ang power rectifier na nasa pagitan ng Santolan at Katipunan station noong Oktubre 2019. Dahil dito, napilitan ang pamunuan ng LRTA na putulin muna ang biyahe hanggang Cubao Station sa Quezon City.
Sa kasalukuyan, nag-uumpisa ang operasyon ng LRT-2 sa ganap na 5 A.M. mula Cubao Station hanggang C.M. Recto Avenue Station sa Maynila at vice versa.