Sam Milby, kilig na kilig kay Catriona Gray

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Abot-langit ang sayang naramdaman ni Sam Milby nang batiin siya ni Miss Universe 2018 Catriona Gray parsa kanyang kaarawan.

Nangyari ito sa Facebook Live show ng Cornerstone Entertainment na CSTV Presents: Lunch With The Stars noong May 22.

Sa isang pre-recorded na video, ipinarating ni Catriona ang birthday message na nagdulot ng matinding kilig para kay Sam.

Aniya, “Hey, Sam! Happy, happy birthday. I hope that you have an amazing year ahead. More birthdays. More happiness.You are loved by so, so many!”

Panunukso naman ang inabot ni Sam sa mga kaibigan nitong sina John Prats at Pooh na kabilang din sa naturang live stream.

Halatadong nahiya si Sam at hindi mabuo-buo ang mga sinasambit na salita

“Kay Ms. Catriona… Hi!.. Nahiya ako… Hi!… Thank you for your greeting… uhm… uhm… yeah… nahiya ako… Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.”

Natahimik na lamang si Sam at tila nauutal pa sa mga sinasabi nito. biniro naman ang aktor ng mga kaibigang sina John Prats at Pooh na ayos lang kung tatlong araw sila sa Facebook Live masabi lang ni Sam nang diretso ang kanyang mensahe para sa Miss Universe.

Ayon kay John, “Uy, Samuel, sa panahon ngayon, sa mga na-experience natin sa pandemic, kailangan talaga i-express mo nararamdaman mo… Eto na yung time. Ikaw, mahal na mahal kita. Si Pooh, mahal na mahal ko.”

Giit naman ni Pooh, “Mahal ko rin ‘yan si Sam.”

Sa huli, naglakas-loob si Sam na sabihin ang kanyang tunay na nararamdaman. Wika nia, “Hindi ko in-expect talaga na mag-message. Thank you.” Dagdag pa, “Yes, you are very special. Very special.”

Nagpahayag si John na masaya si Sam sa lovelife niya ngayon. “But again, Sam, you know, kung gaano ka kasaya, masaya rin talaga ako,” pahayag ni Prats.

LATEST

LATEST

TRENDING