P150 bilyong karagdagang pondo, ilalaan para sa Covid-19 response

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Palasyo ng Malacañang

Tinatayang aabot sa P150 bilyon mula sa badyet ng ehekutibo ang ililipat upang gugulin sa pagresponde kontra Covid-19. Ito ay matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Budget Secretary Wendel Avisado na kumalap ng karagdagang pondo upang mas maraming benepisyaryo ang makatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan.

Aniya ni Roque, “Alam na natin kung magkano mare-realign natin doon sa mga current budget ng executive at tinitimbang na lang po ‘yun… Ang sabi sa akin, mahigit kumulang mga PHP150 billion.” Kasalukuyang sinusuri pa ng pamahalaan kung paano gagastusin ang idinagdag na pondo.

 “Kaya nga po pinag-iingatan kung saan gagastusin ang PHP150 billion kasi beyond PHP150 billion, talagang kinakailangang pumunta for a supplemental budget“, wika ni Roque.

Ang naturang hakbang ay ginawa matapos ipagpaliban ang paghingi ng supplemental badyet mula sa Kamara. Ayon sa tagapagsalita ng pangulo, mukhang malabo ang paghingi mula sa Kamara dahil sa mababang koleksyon ng buwis sa kasagsagan ng krisis.

Sinabi rin nitong posibleng mangutang ang gobyerno kung sakaling mangailangan ito ng karagdagan pang badyet. Bagama’t mababa ang credit rating ng Pilipinas, mataas pa rin daw ito kung ihahambing sa credit scores ng mga karatig bansa, ayon kay Roque.

Tinatayang nasa $5 bilyon (USD) ang nautang at nakuha ng Pilipinas mula sa ibang bansa, ayon sa ulat ng Department of Finance (DOF). Dagdag pa, aabot na sa $4.05 bilyon (USD) mula sa kabuuang $4.858 bilyon (USD) sa nautang na pera ang nakarating na sa bansa upang magamit sa gastusin para sa Covid-19.

LATEST

LATEST

TRENDING