Malaki ang naitulong ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ), sa pagpapababa ng transmisyon at pagtaas ng bilang ng mga namamatay sa Covid-19, ayon sa isang ulat na inilathala ng University of the Philippines (UP).
Ayon sa nasabing ulat na pinamagatang “Covid-19 forecasts in the Philippines: Post-ECQ Report“, patuloy ang pagbaba ng hawaan simula nang nagpatupad ng quarantine noong Marso hanggang Mayo kahit na limitado ang isinasagawang testing at contact tracing sa bansa.
Subalit, binigyang diin ng naturang ulat na ang positibong resulta ay maaaring bumaliktad sapagkat hindi pa “kontrolado” ang virus. Base sa nakasaad nitong impormasyon na nakuha mula sa Department of Health (DOH), nananatiling napakataas ng bilang ng mga kumpirmadong kaso sa National Capital Region (NCR) at Cebu City. “Still significant” naman ang turing sa risk level ng Batangas, Davao City, at Zamboanga City.
Hinikayat ng mga dalubhasa na panatilihin ang quarantine restrictions sa NCR – isa sa mga pinakataong lugar sa buong Mundo, at sa lungsod ng Cebu. Aniya, hindi dapat makampante ang publiko kasi isang tao lang ang kailangan upang makapagsimula ng pangalawang bugso ng hawaan.
“The virus is still with us and we have not yet developed herd immunity. In order to sustain the gains from the last ECQ and to build momentum towards pandemic deceleration, the government must ensure that health systems are capable of detecting, testing, isolating, and treating every case of Covid-19, as well as tracing every contact (Nananatili ang virus at wala pa rin tayong herd immunity. Upang hindi masayang ang mga napagtagumpayan ng ECQ, kinakailangang palakasin ang ating health system upang masigurong kaya nitong mag detect, test, isolate, contact-trace, at manggamot sa bawat pasyenteng magpopositibo sa Covid-19)”, pahayag ng ulat.
Dapat ding magpatupad ng mekanismo upang madaliang maipatupad ang ECQ sa mga lalawigan at pamahaalang lokal na magkakaroon ng mataas na bilang ng Covid-19. Dagdag pa, “The threat of Covid-19 will still remain unless a vaccine is widely available. We need to provide criteria or a set of triggers not only for de-escalation but also to escalate restrictions that are clearly explained to the public (Hindi mapupuksa ang Covid-19 hangga’t wala pang bakuna. Kaya naman kinakailangan nating magpatupad ng mga hakbang hindi lamang sa pagpapagaan ng mga restrictions kundi pati na rin sa paghihigpit na dapat ay ipaliwanag ng maayos sa taumbayan)”.
Sinabi rin ng mga dalubhasa na ipagpatuloy ang expanded testing at bigyang prayoridad ang mga empleyadong nagbalik-trabaho. Dapat ding pag-aralan ng gobyerno ang paggamit ng local trials ng group testing protocols. “Group testing” ang pamamaraan kung saan kumukuha ng swab specimens mula sa iba’t-ibang indibidwal na isinasailalim sa isang test kit lamang.
Iminungkahi rin ang randomized testing, na posibleng isagawa gamit ang group testing, dahil maaari itong makapagbigay ng mapagkakatiwalaan impormasyion sa pagtiyak ng mga prevalence rates.
Pinuri naman ng mga mananaliksik ang gobyerno sa planong pagtataas ng testing rate sa bilang na 30,000 kada araw sa dulo ng buwan.
Hinggil sa mga gagawing pananaliksik, nais ng mga eksperto na mag-komisyon ng iba’t-ibang pag-aaral tungkol sa paggalaw ng tao sa mga lugar na nasa ilalim ng quarantine upang magsilbing gabay sa mga panukalang ihahain ng pamahalaan.
Tinawagan din nito ang pansin ng Kongreso na maglaan ng pondo para sa mga pampublikong pamantasan upang mas mapaigting ang mga pag-aaral tungkol sa paraan ng paggamot kontra Covid-19. Isa namang malawakang information drive ang inerekomenda upang makapagbigay-alam sa taumbayan sa iba’t-ibang tagubilin tungkol sa pagharap sa “new normal”
Ang nasabing ulat ay binuo ng mga UP professors at OCTA research fellows/associate na sina Guido David, Ranjit Singh Rye, at Ma. Patricia Agbulos; na may ambag mula sa mga UP professors na sina Erwin Alampay, Rodrigo Angelo Ong, Benjamin Vallejo Jr., Ideacorp Inc. CEO Emmanuel Lallana, at Civika Asian Development Academy Managing Director Elmer Soriano.