Overpricing sa Philhealth, papa-imbestigahan ng Pangulo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Roa-Duterte

Papa-imbestigahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang di umano’y overpricing sa testing package ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) para sa Covid-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, naalarma ang pangulo matapos malaman ang mga halaga ng mga biniling test kits ng Philhealth. Aniya, “Bibigyan ko po ng kumpirmasyon na nababahala ang Presidente lalung-lalo doon sa pagkakaiba ng presyo ng testing kit… So nais po niya ng kasagutan and an investigation (at imbestigasyon)”.

Sinabi naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa isang Senate hearing na maaaring malugi ang bansa ng tinatayang P8.3 bilyon dahil sa overpricing scheme na ito. Kinuwestyon din ng senador ang pagbabayad ng Philhealth ng P8,150 kada Covid-19 test, na doble sa P4,000 na halaga ng bawat test sa Philippine Red Cross. Dagdag pa ni Drilon, mas mahal ang cost estimate ng PhilHealth kumpara sa P1,500 na presyo sa bawat test kit na galing Tsina.

Depensa naman ni PhilHealth president Ricardo Morales, ang pahayag na pinagbabasehan ng Malacañang ay mula sa lumang datos na nakalap bago pa mag Abril 1, 2020 kung kailan limitado pa lamang ang kapasidad ng testing sa bansa.

Inaasahan naman na maglalabas ang Philhealth ng panibagong package rate para sa mga pasyente ng Covid-19 sa susunod na linggo.

LATEST

LATEST

TRENDING