Mga nakatira sa GCQ areas, puwedeng lumahok sa SAP

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: JL Javier

Sa 17 milyong makakatanggap mula sa pangalawang bugso ng social amelioration program (SAP), prayoridad ng pamahalaan na mabigyan ang mga pamilyang nakatira sa mga lugar na may enhanced community quarantine (ECQ) at modified ECQ, batay sa memorandum na inilabas ng Palasyo.

Subalit, nilinaw nito na maaari pa ring maging kwalipikado ang mga apektadong pamilyang nakatira sa mga lugar na may general community quarantine (GCQ). Ang listahan ng mga benepisyaryo ay sasailalim pa sa beripikasyon ng ilang ahensya at lokal na pamahalaan.

Ipinag-utos din ng Palasyo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Information and Communications Technology (DICT), at National Privacy Commission (NPC) ang paglikha ng online portal kung saan makikita ang lahat ng benepisyaryo ng SAP. Ginawa rin ang hakbang na ito upang makasiguro ang publiko na ang mga nasa listahan ay tunay na kwalipikadong makatanggap ng ayuda.

Ayon naman sa Department of the Interior and Local Government (DILG), patuloy ang pagkalap ng mga ulat ukol sa mga pamilyang hindi nabigyan sa unang bugso ng ayuda upang maisama sila sa kasunod na alon ng distribusyon.

Ang mga benepisyaryo ng SAP ay makakatangap ng ₱5,000 hanggang ₱8,000 na ayuda para sa buwan ng Abril at Mayo alinsunod sa Bayanihan to Heal As One Act.

LATEST

LATEST

TRENDING