Mga mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Maynila, makakatanggap ng ayuda

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Manila City Mayor Isko Moreno

Ang mahigit 275,000 na mag-aaral mula sa mga pampublikong paaralan ng Maynila, mula kindergarten hanggang Grade 12, ay makakatanggap ng ayuda tulad ng food packs at hygience kits mula sa pamahalaang lokal ng lungsod.

Ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno, uumpisahan ang distribusyon ng naturang mga ayuda sa susunod na linggo sa tulong ng mga public school principals.

Sa pagpupulong ni Yorme kasama sina Manila City Schools Division Superintendent Dr. Maria Magdalena Lim, Division of City Schools Property Chief Roland Soriano, at 107 pang principals, napagpasyahan ang paglikha ng isang database ng mga estudyante na nakagrupo base sa kinabibilangang barangay.

Makatutulong di umano ang nasabing database para sa mabilisang pamamahagi ng ayuda. Mga magulang o opisyal na tagapag-alaga ng mag-aaral ang tanging pinahihintulutang tumanggap sa ibibigay na ayuda.

Nauna ring sinabi ni Yorme na makakatanggap ng karagdagang P1000 na ayudang pinansyal ang tinatayang nasa 680,000 na pamilyang nakatira sa lungsod matapos amyendahan ang orinihal na ordinansa upang maipasok ang mga karagdagang benepisyaryo.

Sa inisyal na tala ng Manila Public Information Office, 607,000 ang naisama sa City Amelioration Crisis Assistance Fund (CACAF).  Subalit, may 898 na barangay ang nag-update ng kani-kanilang listahan na nagresulta sa pagdagdag sa bilang ng mga benepisyaryo.

LATEST

LATEST

TRENDING