Malacañang: Mga kaso laban kay Sinas, tuloy

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Tuloy ang pag-arangkada ng mga kasong kriminal at administratibong isinampa laban kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Maj. Gen. Debold Sinas kahit sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na mananatili ito sa puwesto dahil isa itong “good and honest” na pulis.

Iginiit ng pangulo na hindi papayagan ni Sinas ang naganap na “mañanita” para sa kanya kung maaga niya itong nalaman. Aniya, “I do not believe in just firing him because (Hindi ko siya sisibakin dahil) kinantahan siya ng happy birthday. I’m sure (Tiyak ako) na kung alam ni Sinas ‘yan hindi siya pumayag”.

Humingi ng dispensa si Sinas, subalit sinabi nitong walang mali sa naganap na selebrasyon at iginiit na “edited” ang mga naglipanang larawan sa social media.

Nahaharap si Sinas at 18 pang pulis sa reklamong paglabag sa City Ordinance 12, series of 2020, na nagpapatupad ng striktong pagsusuot ng face masks at pagsunod sa physical distancing; at sa Republic Act 11332 or the Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

Umani ng batikos ang hepe ng NCRPO matapos mag-viral sa social media ang iba’t-ibang larawang nagpapakita na nagdaos ito ng birthday party habang hindi sinusunod ang physical distancing sa kalagitnaan ng umiiral na lockdown.

LATEST

LATEST

TRENDING