Malacañang: Employers, inaasahang magbibigay ng libreng sakay sa mga empleyado

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Patrick Karlo Cabañero

Inaasahan ng Palasyo na magbibigay ang mga employer ng libreng shuttle services para sa mga manggagawa nitong papasok sa trabaho sa kasagsagan ng umiiral na community quarantine sa buong bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque,Ang aming assumption po ay gagawa rin sila ng hakbang para matulungan iyong kanilang mga empleyado na makapasok.

Ipinaliwanag din ni Roque na kahit namimigay ng libreng transportasyon sa mga manggagawa ang mga pamahalaang lokal, hindi naman makakapagbigay ang pamahalaang nasyonal ng libreng transportasyon para sa lahat ng mga manggagawa. Aniya, “The rule is (Ang pamantayan ay), kung talagang hindi kaya magbigay ng shuttle, huwag na po tayong magbukas dahil iniiwasan pa rin naman natin ang pagkalat ng Covid-19″.

Suspendido pa rin ang pampublikong transportasyon sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) at enhanced community quarantine (ECQ). Subalit, pinapayagan ang pagbiyahe sa pinababang kapasidad ang mga shuttle services ng ilang establishimento at mga point-to-point transport services para sa mga frontliners habang striktong sinusunod ang minimum health standards.

Pinahihintulutan din ang mga “exempted individuals” na gumamit ng private company shuttles at personal na sasakyan sa ilalim ng MECQ. Sa GCQ namn, puwede nang magbalik-operasyon ang sektor ng road, rail, maritime, at aviation transportation sa pinababang operational at vehicle capacity. Mahigpit na isang metrong distansya sa pagitan ng bawat pasahero ang ipatutupad sa mga pampublikong sasakyan.

Sa isang Facebook post, umapela si Cavite Governor Jonvic Remulla sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na payagan na ang mga back riders sa mga motorsiklo lalung-lalo na ang mga mag-asawa habang nananatiling limitado ang pampublikong transportasyon.

LATEST

LATEST

TRENDING