Lacson: DOH, may “pattern” sa overpricing ng Covid-19 equipment

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Senador Panfilo Lacson

Sa isang ginanap na Senate hearing noong Mayo 19, iginiit na Senador Panfilo Lacson ang paulit-ulit na pagbili ng Department of Health (DOH) sa iba’t-ibang medical equipment kontra Covid-19 sa mataas na presyo.

Sinabi niyang ginagamit ng ahensya ang isyu sa Covid-19 upang pairalin ang kasakiman at pagiging makasarili sa halip na isaalang-alang ang kapakanan ng publiko.

Ibinulgar ni Lacson na bumili ang DOH ng nucleic acid extraction machines na ginagamit sa pagtetest kontra Covid-19 mula sa Amerikanong manufacturer na Kingfisher sa halagang P4 milyong habang ang pribadong sektor ay nakabili ng parehong mga machines sa Tsinong manufacturer na Sansure sa halagang P1.75 milyon lamang.

Depensa naman ni Health Secretary Francisco Duque III, mas katugma ang Kingfisher brand sa iba pang mga equipment sa mga laboratoryo sa bansa na binili rin mula sa Amerikanong manufacturers.

Kinumpirma naman ni Lacson sa ibang medical professionals na compatible ang Sansure sa di bababa sa lima pang ibang machines. Sinabi rin niyang ginagamit din ito ng Philippine Red Cross bukod sa pribadong sektor.

Subalit, kinuwestyon pa rin ni Lacson ang DOH sa pagbili nito ng mga swabbing kit sa halagang $32 bawat isa habang may mabibili naman mula sa mga kumpanyang Tsino sa halagang $12 lamang kada isa.  Bukod dito, mas mura rin daw ng P900 ang nabibiling personal protective equipment (PPE) ng pribadong sektor kumpara sa presyong binibili ng DOH. Binigyang diin niyang may malinaw na “pattern” tungkol sa overpricing na nagaganap.

Naging laman ng pamabatikos si DOH Secretary Duque dahil sa mga naging kontrobersyal na pahayag nito na nasa pangalawang bugso na di umano ang bansa sa Covid-19 infections. Tinuligsa ito ng mga mambabatas at iginiit na hindi pa magkaaroon ng pangalawang alon kung hindi pa natatapos ang nauna dahil sa kawalan ng testing. Sa huli, binawi rin ni Duque ang naturang pahayag.

LATEST

LATEST

TRENDING