Duterte, pinangunahan ang PMA at PNPA graduation rites

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte sa graduation rites ng PMA an PNPA

Sa talumpati nito sa mga magsisipagtapos mula mula sa Philippine Military Academy (PMA) at Philippine National Police Academy (PNPA) noong Mayo 22, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na matutong mag-“adapt” o makibagay sa mga iba’t-ibang pagbababagong nangyayari sa mundo upang hindi maiwan ng ibang bansa habang patuloy na nilalabanan ang banta ng Covid-19.

Like someone once said, we can change with the changing world yet cling to the unchanging values of life (Puwede nating baguhin ang mundo habang pinananatili ang mga prinsipyo sa buhay)”, pagbibigay payo ng pangulo sa graduation rites ng PMA at PNPA sa pamamagitian ng teleconferencing.

Pinangunahan ni Duterte ang seremonya sa pamamagitan ng Zoom app sa Malacañang, na unang ginanap sa kasaysayan bunsod ng “new normal” dahil sa pandemiyang hatid ng Covid-19.

Iginiit ng pangulo sa mga magsisipagtapos na manatiling tapat sa kani-kanilang mga tungkulin at  iwaksi ang mga ilegal na gawain kapag sila ay madestino na sa pulisya or militar.

Sa pagtatapos ng talumpati, pinatawad ni Duterte ang mga “outstanding punishments” ng mga  underclassmen, isang tradisyon sa pagtatapos ng isang batch.

Parehong babae naman ang nanguna sa graduating classes ng PMA at PNPA ngayong taon. Mayroong 196 kadete ang PMA Masidlawin Class. Sa bilang na ito, 100 ang sasama sa Philippine Army, 45 sa Philippine Air Force, at 51 naman sa Philippine Navy.

Ang PNPA Mandayug Class naman ay mayroong 227 cadets. 202 ang pupunta sa police service, 59 sa Bureau of Fire and Protection, at 16 naman sa Bureau of Jail Management and Penology.

Panoorin ang buong talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ginanap na commencement exercises ng PMA at PNPA:

LATEST

LATEST

TRENDING