Napagtanto ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi sapat upang madagdagan ang pondo ng Social Amelioration Program (SAP) ang pagbebenta ng ari-arian ng gobyerno. Ito ay matapos sa naunang balak ng pangulo na ibenta ang isang government asset upang masiguro na mabibigyan ang lahat ng 23 milyong benepisyaryo ng SAP sa pangalawang alon nito.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kinakailangan ng gobyerno ang karagdagang P50 bilyon upang mabigyan ng ayuda ang lahat ng benepisyaryo. Tinatayang nasa P20 bilyon lamang ang halaga ng nabanggit na asset.
Sa ilalim ng SAP, makakatanggap ang mga kwalipikadong benepisyaryo ng P5000 hanggang P8000 na ayudang pinansyal para sa buwan ng Abril at Mayo. Ang unang itinalagang bilang na ng mga benepisyaryo na 18 milyon ay nagdagdagan ng lima pang milyon para sa kabuuang 23 milyon alinsunod sa utos ng pangulo.
Subalit, nilinaw kamakailan na 18 milyong pamilya lamang ang mabibigyan sa pangalawang alon ng SAP. dahil sa kakulangan ng pondo. Posibleng humingi ng karagdagang P50 bilyong supplemental badyet ang pamahaalan sa Kamara upang masigurong mabibigyan lahat ang 23 milyong benepisyaryo ng SAP.
Naunang sinabi ni Roque na “dead serious” ang pangulo sa pagbebenta ng nabanggit na asset ito ito nagkaroon ng pagbabago ng isip sa kadahilanang hindi sapat ang malilikom na pondo mula dito.
Inamin ni Pangulong Duterte noong Mayo 19, na ang patuloy na pagbaba ng Covid-19 badget ay maaaring maka apekto sa bilang ng mga mabibigyan ng ayudang pinansyal.
Nilinaw naman ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na hindi kailangang magbenta ng kahit anong pag-aari ang pamahalaan at iginiit na nasa “very good financial position” ito para matugunan ang pagresponde sa pandemiya.