Ilang artista, nakatanggap ng death threat

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

“Hello, NBI? Beke nemen po…”, ang pabirong naging tugon ng aktres na si Angel Locsin matapos itong makatanggap ng death threat kasama ang iba pang mga artista.

Sa isang Instagram post sa account ng aktes, ibinihagi nito ang isang screenshot ng tweet mula sa netizeng nagngangalang NJ Abellanosa na nag-alok ng P200 milyong pabuya kapalit ang buhay niya, pati nina Kim Chiu, at Coco Martin.

“Isa ka ba sa mga supporter ni Pangulong Duterte at GMA? Pwes, I will give you 200-million sa sinumang mga Duterte at GMA supporters ang makapatay kina Kim Chiu, Coco Martin, at Angel Locsin. Makakasama nyo ang NPA para pasabugin ang ABS-CBN Compound,” pahayag ng nasabing netizen sa Twitter account na ngayon ay burado na.

Ayon naman kay National Bureau of Investigation Public Information Office (NBI PIO) chief Nick Suarez, ipinagbigay alam na nito sa NBI Cyber Crimes Division ang naturang insidente. Iginiit din ng ahensya na hindi ito magbubulag-bulagan sa sino mang makakatanggap ng kung anu-anong pagbabanta at asahang agaran itong maaaksyunan.

Pinasalamatan naman ni Angel ang NBI subalit sinabing ipagpapaliban na muna niya ang pagsampa ng kaso.

Sumuko naman di umano sa tanggapan ng NBI sa Samal, Davao del Norte noong Mayo 22 ng hapon, ang netizen sa likod ng kontrobersyal na tweet na si NJ Abellanosa.

View this post on Instagram

Hello, NBI? Beke nemen po…?

A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

LATEST

LATEST