“Balik-Probinsiya”, pag-asa ang hatid sa mga benepisyaryo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni Robert Oswald P. Alfiler

Pag-asa ang hatid ng programang “Balik-Probinsiya” ng pamahalaan sa ilang mga kababayan matapos silang maipit ng lockdown sa National Capital Region (NCR). Maraming nakaranas ng kagipitan dahil sa pagpapasara ng mga establishimento at pagpapatigil sa trabaho. Karamihan sa mga mangggagawang ito ay nasa ilalim ng “no work, no pay” na sistema.

Si Mary Joy, isang 22-anyos na guro sa Bacoor, Cavite, ang nagsabing maganda ang buhay niya bago ipatupad ang lockdown. Noong ipatupad na ito, hindi na siya nakapagpadala ng pera sa kanyang pamilya kaya napagpasyahan nitong lumahok sa “Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program” upang makauwi ng Leyte at makapagsimulang muli.

 “Sa naranasan ko po ngayon na mahirap talaga mag-stay sa isang lugar na walang mag po-provide sa ‘yo ng pagkain, mas mabuting umuwi since andun din naman ang pamilya ko. Pumayag na din naman yung nanay ko na dun na lang din po ako magtrabaho. Siguro makakahanap din naman po ng trabaho dun. Sabi nya mag-try na lang ako mag apply dun”, sinabi niya sa isang panayam.

Noong ipanatupad ang ECQ, karamihan sa NCR ay umaaasa na lamang sa mga ayudang ibininibigay ng pamahalaan at aminado silang hindi ito sapat upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan sa gitna ng krisis.

Si Malou, 26-anyos, ay dating nagtatrabaho sa isang sikat na donut compnay sa Maynila na kinalaunan ay ipinahinto dahil sa lockdown. Natutuwa siyang malaman na muli siyang makakauwi sa Leyte upang makasama ang pamilya. Aniya, “Buntis ako at gusto ko rin na umuwi na”.

“Marami namang programa ang gobyerno so marami silang matutulungan. May text na po sila sa’min kung ano-ano po yung pwede nilang itulong para sa’min. Pwede pong pang-kabuhayan o di kaya trabaho na pwede nilang mai-offer sa’min, may DOLE ,” dagdag pa ni Malou.

Napuno rin ng pag-asa si Roger, habang sabik na makauwi sa Baybay, Leyte kasama ang limang taong anak. Giit niya, “Pumunta po ako dito sa Maynila para magtrabaho kaso ganito eh, kaya gusto ko bumalik na lang sa probinysa para doon na mag-hanapbuhay”. Balik din niyang lumahok sa  governments’ livelihood program upang hindi niya niya kailangan pang bumalik ng Maynila upang maghanap buhay.”

Si Rina Cervantes, 39, ay pauwi naman sa Hilongos, Leyte kasama ang asawang jeepney driver at dalawang anak. Nagpasya silang umuwi sapagkat inaming nilang nahihirapan silang mamuhay sa lungsod matapos ang siyam na taon.

Balak nilang magtanim ng gulay sa kanilang lupa sa lalawigan upang hindi na mangailangan pang bumalik ng NCR. Paliwanag niya, “Sa totoo lang, kung sa probinsya mabibigyan ng mga trabaho dun, wala nang pupunta dito, tsaka kung yung sweldo, halimbawa ang minimum dito nasa 600 dun kahit gawing 480 or 500, hindi na pupunta dito kasi mabubuhay na sila. Dito lahat ng pagkain mo binibili, doon kung kailangan mo ng malunggay makakahingi ka sa kapitbahay. Kung masipag ka pwede ring magtanim, hindi ka na bibili”.

LATEST

LATEST

TRENDING