Babaeng kadete, valedictorian ng PMA

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Cadet First Class Gemalyn Sugui ng PMA Masidlawin Class of 2020

Ang 25-anyos na si Cadet First Class Gemalyn Sugui ang nanguna sa 200 na magsisipagtapos ng Philippine Military Academy (PMA) Masidlawin Class of 2020.

Si Sugui, na anak ng magsasaka at guro mula sa Echague, Isabela ay unang nagtapos sa kursong Bachelor of Science in Management Economics mula sa University of the Philippines Baguio.
 
Ayon sa PMA, iginawad din sa kanya ang Presidential Saber, Achievement Award for Academic Excellence, JUSMAG Award, Philippine Army Saber, Spanish Armed Forces Award, Social Sciences Plaque, Management Plaque, at Rule of Law Award.

Kabilang sa top 10 ng Masidlawin Class ang limang babae at tatlong kadete mula sa Cordillera. Sila ay sina:

– Cadet First Class Jade Villanueva ng Tacloban City
– Cadet First Class Jefferson Salazar ng Zamboanga City.
– Cadet First Class Rojes Gaile Jamandre ng Lamut, Ifugao
– Cadet First Class Jeb Bay-an ng Benguet
– Cadet First Class Catabay Ladyong ng Tabuk, Kalinga
– Cadet First Class Vanelyn Angel Tabao ng Tuguegarao City
– Cadet First Class June Giel Anne Factor ng Piddig, Ilocos Norte
– Cadet First Class Rubenson Abgao Maliwanag ng Baroy, Lanao del Norte
– Cadet First Class Dencel Aina Bayaca ng Floridablanca, Pampanga

Dahil sa pandemiyang idinulot ng Covid-19, hindi napagpasyahan ng PMA na hindi na muna isasama ang pamilya at kamag-anak ng mga magsisipagtapos sa graduation rites, ayon kay PMA Superintendent Admiral Allan Ferdinand Cusi. Hindi rin bubuksan sa publiko ang naturang seremonya.

Aniya, “As a parent, I know how heartbreaking and disappointing that decision is, but we have to do what is best for all. Safety and health are paramount at all times (Bilang magulang, alam kong masakit at nakakapanghinayang ang desisyon, subalit kailangan nating sundin para sa kaligtasan at kaayusan ng kalusugan ng lahat)”.

23 na babae at 173 na lalakeng kadete ang kabilang sa Masidlawin Class. Sa kabuuan, 100 ang pupunta sa Philippine Army, 45 sa Philippine Air Force, at 51 naman sa Philippine Navy.

LATEST