60 milyon, makararanas ng “extreme poverty” ayon sa World Bank

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: CNN.com

Nanganganib na maghirap ang tinatayang 60 milyong katao sa buong daigdig sa pagtatapos ng pandemiyang hatid ng Covid-19, ayon sa World Bank. Ito ay matapos ang pagsusuri ng ilang mga ekonomista ukol sa hinaharap ng pandaigdigang ekonomiya na ayon sa kanila ay isang “unprecedented crisis”.

Ang World Bank, na nagpapautang at namimigay ng ayuda sa mga mahihirap na bansa, ay nagsabi noong nakaraang buwan na maaaring magkaroon muli ng biglaang pagtaas sa global poverty tulad noong nangyari noong 1998.

Sa isang blog post noong Abril, 49 milyon ang “best estimate” na makaranas ng “extreme proverty” o labis na kahirapan na ang ibig sabihin ay iyong mga nabubuhay sa halagang di bababa sa P96 ($1.90) kada araw.

Ang paglala ng mga kaso sa ilang bansa ay naging hudyat upang magsagawa ang World Bank ng tinaguriang “largest and fastest crisis response”. Sa hakbang na ito, mahigit 100 na bansang mahihirap, o katumbas ang 70% sa buong populasyon ng mundo, ang nabigyan ng ayuda. Nangako itong magbibigay ng $160 bilyon bilang pagtugon sa pandemiyang hatid ng Covid-19.

Bunsod ng paglaganap ng pandemiya, ilan sa mga pinakamahihirap na tao sa mundo ang nakakaramdam na ng matinding pag-aray. Maraming mga migrant workers na ang nawalan ng trabaho bunsod ng pagpapahinto ng mga industriya. Katumbas nito ang pagbaba ng aabot sa 20% or $100 bilyon, sa mga global remittances o perang ipinapadala sa mga pamilya, ngayong taon.

Posibleng pinakamalubang matamaan sa lumalalang krisis na ito ang Africa kung saan matatagpuan ang karamihan sa mga pinakamahihirap na bansa sa mundo.  Giit ni UN High Commissioner for Human Rights Michelle Bachelet at Chairperson of the African Commission on Human and Peoples’ Rights Solomon Dersso, “We cannot afford to stand idly by and hope this most viral and deadly of diseases bypasses Africa, which is home to many of the world’s poorest countries who are simply not in position to handle such a pandemic (Hindi natin dapat pabayaan ang Africa sa kasagsagan ng pandemiya sapagkat hindi nila kayang tugunan ang pagresponde sa krisis na ito)”.

Posible ring maapektuhan nang malubha ang Timog Asya.  Ang bansang India, na isa sa mga pinakamataong bansa sa mundo, ay maaaring makaranas ng pagtaas sa kabuuang bilang ng mga mamayang mahihirap na sa ngayon ay nasa 12 milyon.  

LATEST

LATEST

TRENDING