Angel Locsin at Anne Curtis, naglunsad ng fundraising para sa Covid-19 test kits

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Anne Curtis (kaliwa) at Angel Locsin (kanan)

Inanunsyo ng mga aktres na sina Angel Locsin at Anne Curtis ang pagbabalik ng kanilang “Shop and Share” project na naglalayong kumalap ng pondo para sa pagbili ng Covid-19 test kits. Nanawagan ang dalawa sa kani-kanilang mga kaibigan at kapwa artista na suportahan ang inisyatiba upang makatulong sa laban kontra Covid-19.

With the funds we raise, we would like to purchase test kits and allow testing opportunities for the poorer sectors, in the hopes of helping out in the efforts to provide mass testing in the country, (Sa pondong ating malilikom, bibili tayo ng test kits upang makatulong sa hakbang ng mass testing lalo na sa mga mahihirap),” sinabi ni Locsin sa isang social media post. Dagdag pa niya, ito ang nakikita niyang paraan upang maipatupad ng maayos ang “TEST-TRACE-ISOLATE/TREAT” formula na ayon sa kanya ay pinaka-epektibong solusyon kontra Covid-19.

Naunang inilunsad ang nasabing proyekto noong 2009 sa kasagsagan ng Bagyong Ondoy upang makapagbigay-tulong sa mga nasalanta. Namahagi ng iba’t-ibat personal items ang mga artista, singer, at atleta upang maibenta at makalikom ng pondong kinalaunan ay ibinigay sa Philippine Red Cross bilang donasyon.

Nagpahayag na ng suporta ang ibang mga celebrities na sina Dimples Romana, Sarah Lahbati, and Maxene Magalona.

Nataon ang anunsyo sa parehong araw na sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na walang plano ang pamahalaan na magsagawa ng mass testing at ipinauubaya na ito sa kamay ng pribadong sektor. Depensa niya, “physically impossible” ang pagtest sa buong populasyon. Sa halip ay 1.5% hanggang 2% ng kabuuang popolasyon ng bansa ang balak itest ng pamahalaan.

View this post on Instagram

To our friends and fellow artists, Hi. It’s been a while since we’ve done this — way back in 2009 in fact when we first put up Shop and Share to help those who were affected by Typhoon Ondoy. We had actors, singers and even basketball players donate personal items from designer bags, clothes, jerseys, jewelry, etc., and we auctioned them off on ebay, with all the proceeds going to the Philippine Red Cross. And, now, we humbly reach out again. These are hard times, truly frightening times for the Filipino people, especially with corona virus cases still on the rise. Many have been doing their part in trying to give hope or just to make each day easier for those who are in need. And the hard truth is they will remain in need as Covid-19 remains the invisible enemy amongst us changing our lives and sadly disrupting livelihoods. We would like to revisit the idea of artists coming together and helping those who need it the most. This time, with the funds we raise, we would like to purchase test kits and allow testing opportunities for the poorer sectors in the hopes of helping out in the efforts to provide mass testing in the country. Yes, in support of mass testing. Because in this way we can make a higher impact, by pushing the TEST-TRACE-ISOLATE/TREAT formula that is the only proven way to defeat the virus. If you are keen please do let us know. We do hope you can join us as we all work together to help flatten the curve in the Philippines in our little way. God Bless You, Team Shop & Share.

A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

LATEST

LATEST

TRENDING