Parating na bakuna kontra Covid-19, libre para sa mahihirap

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte habang nakasuot ng face mask

Pinangako ng Malacañang ang libreng pamimigay ng bakuna kontra Covid-19 para sa mga mahihirap sakaling dumating na ito. Sinabi ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos ipahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte  na agaran itong bibili ng bakuna sakaling ilabas na.

“Well, alam niyo po siguro, ang mangyayari diyan, those who can afford ay magba-bayad, those who cannot afford, gobyerno ang magba-bayad,” giit ni Roque sa isang panayam. Maaari rin namang makahingi ng tulong mula sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang mga hindi mabibigyan ng libreng bakuna.

Noong Mayo 19, sinabi ni Pangulong Duterte na maaaring magkaroon na ng bakuna sa darating na Enero 2021. Napuno ng pag-asa ang pangulo matapos nitong ibalita na naging matagumpay ang clinal trials ng isang biotech firm sa Estados Unidos na kasakalukuyang gumagawa ng bakuna.

Sinuguro naman ni Roque na nakahandang magpatupad ng immunization plan kapag nariyan na ang nasabing bakuna. Aniya, “Meron na po tayong nabuong plano kung paano talaga i-implement ang vaccination as soon as it (Covid-19 crisis)”. Bibigyan ng prayoridad sa pagbabakuna at mga indibidwal na may mga karamdaman.

Sa kasalukuyan, wala pa ring natutuklasang bakuna kontra Covid-19. Subalit, patuloy ang mga isinasagawang clinical trials upang matiyak ang seguridad ng mga bago at lumang gamot laban sa coronavirus katulad ng anti-viral, anti-bacterial, at anti-malarial agents.

Naglunsad naman ang World Health Organization (WHO) kasama ang mga partner nito ng isang “Solidarity Trial”, o pandaigdigang clinical trial, upang humanap ng epektibong lunas laban sa nakamamatay na sakit. Lalahok ang Pilipinas sa naturang Solidarity Trial na ito.

LATEST

LATEST