Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nag salita hinggil sa kontrobersiyang kinasasangkutan ni NCRPO Chief Debold Sinas. Sa mensahe sa bansa ng Pangulo kagabi sinabi nitong siya na mismo ang nagdesisiyon na hindi mapalitan, malipat o masibak si Sinas sa kabila ng nangyaring birthday celebration nito kung saan sinasabing may mga nalabag na quarantine protocols ng sorpresahin siya ng kaniyang mga tauhan.
“Ako yung may gusto na hindi siya mapalitan He is a good officer, an honest one, kung may mag harana man sa kaniya hindi niya kasalanan ‘yun”, ani Duterte.
Iginiit ng pangulo na kung alam ni Sinas na may inihahanda party ang kaniyang mga tauhan ay tiyak na hindi niya ito pahihintulutan dahil na rin sa umiiral na Enhance Community Quarantine. “Kailangan ko yung tao, naniniwala ako sa seniority it is his time to be there. I’m sure na kung alam ni Sinas yan hindi siya papayag. He stays there.” dagdag pa ng Pangulo.
Noong nakaraang linggo sinampahan ng Internal Affairs Service ng PNP si Sinas ng patong patong na kaso hinggil sa nangyaring di umanoy pag labag sa mga quarantine protocols sa birthday celebration nito.