Duterte, nagpatugtog ng madamdaming awitin sa dulo ng press briefing

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Duterte habang pinapakinggan ang ipinatugtog na awit

Sa pagtatapos ng inereng pagpupulong ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) noong gabi ng Mayo 19, nagpatugtog ito ng madamdaming awitin sa paglalayong maantig ang puso ng taumbayan. Ito ay ilang minuto matapos depensahan ng pangulo ang pagpapanatili sa puwesto ni Maj. Gen. Debold Sinas bilang hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) pagkatapos nitong magdaos ng kanyang birthday party sa kasagsagan ng lockdown.

Ayon kay Duterte, kaibigan niya ang gumawa ng naturang kanta.”Yung kanta nakuha niya, yung the spirit of what we have been looking for…what we feel for the moment (yung diwa inaasam natin… kung ano ang nararamdaman natin ngayon),” sabi ng pangulo.

Sa pagtugtog ng awitin, nakinig nang tahimik si Duterte habang nakalagay ang isang kamay sa mukha at nakapikit ang mga mata. “I hope na (Sana) maski papano, we were able to convey (naiparating namin), napaabot namin ang mensahe ng gobyerno sa inyo,” wika ng pangulo sa pagtatapos ng awit.

Panoorin ang buong press briefing ng pangulo noong Mayo 19:

LATEST

LATEST