Duque: Pilipinas, nasa pangalawang alon na ng pandemiya

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
DOH Secretary Francisco Duque III

Pilipinas, nasa pangalawang alon na ng Covid-19 krisis, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III said Wednesday. “Yung first wave natin nag-umpisa, happened some time in January noong nagkaroon tayo ng 3 Chinese nationals from Wuhan,” wika ng kalihim.

Ang “first wave” na tinutukoy ni Duque ay ang mga naunang pasyente ng Covid-19 sa bansa na nagmula sa Wuhan, China, ang pinanggalingan ng coronavirus. Hindi naman nito binanggit kung kailan nag-umpisa ang pangalawang alon at kung anong mga batayan na ginamit para sa timeline. Ilang linggo muna ang nagdaan bago nagkaroon ng pagtaas ng bilang ng mga kaso mula sa mga naunang naitala sa bansa, at patuloy pa rin ang pagtaas nito.

Nagbabala naman ang kalihim na posibleng umusbong ang pangatlong alon ng mga kaso kung agarang ipatutupad ang general quarantine community (GCQ) sa Kamaynilaan. Noong Mayo 16, nagtransisyon ang Kalakhang Maynila at ilang lalawigan sa mas maluwag na modified enhanced community quarantine upang mabigyang daan ang muling pagbubukas ng ekonomiya.

Ang lungsod ng Cebu at Mandaue na lamang ang nananatili sa mahigpit na lockdown. Sa datos noong Mayo 19, nakapagtala na ang bansa ng aabot sa 12,942 na kaso ng Covid-19. Sa bilang na ito, 837 ang nasawi at 2,843 ang gumaling.

LATEST

LATEST

TRENDING