Bakuna kontra Covid-19, inaasahang darating sa Enero 2021

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Inaasahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon na ng bakuna kontra Covid-19 sa Enero 2021.”Kailangan may pera ako niyan kasi bili kaagad tayo,” tugon ng pangulo sa pagpupulong nito kasama ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID).

Sinabi nitong patuloy ang mga siyentipiko na tila “naghahabulan” sa pagtuklas ng lunas laban sa nakamamatay na sakit. Binanggit ng pangulo bilang halimbawa ang biotech firm na Moderna sa Estados Unidos kung saan nagpakita ito ng positibong resulta matapos magsagawa ng mga clinical tests para sa isang experimental vaccine laban sa coronavrius. “Meron na silang tests na showing positive results (nagpakita ng positibong resulta). Meron nang vaccine but ang problema, it will be ready according to them by (maihahanda ito sa) 2021 pa. January at the very, at the earliest,” ayon sa pangulo.

Ayon sa Moderna, ang vaccine candidate na mRNA-1273, ay nakapagtala ng immune response sa 8 kataong nakatanggap nito. Sinabi ng pinuno nitong si Stephane Bancel, na malaki ang posibilidad na makapagbibigay ito ng proteksyon laban sa nakamamatay na sakit ayon sa resulta ng kanilang preliminary tests.

Pinigilan din ng naturang bakuna ang pagdami ng virus sa isang hiwalay na test na isinagawa sa mga daga. Ang nasabing vaccine candidate ay pinondohan na ng pamahalaan ng Estados Unidos ng nalalapit sa kalahating bilyong dolyar.

LATEST

LATEST

TRENDING