AFP at PNP, pangungunahan ang distribusyon ng ayuda

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
DSWD Secretary Rolando Bautista

Inanunsyo ni Department of Social and Welfare Development Secretary (DSWD) Rolando Bautista na pangungunahan ng pulis at militar sa halip na mga local government unit (LGU) ang pamamahagi ng pangalawang alon ng ayudang pinansyal mula sa Social Ameriolation Program (SAP) upang mas mapabilis ito. Ito ay kasunod sa utos ng pangulo na bilisan ang pamamahagi ng ayuda sa tinatakayang 23 milyong mahihirap na pamilya.

Meron na kaming initial coordination sa liderato ng AFP at saka PNP para makatulong sila sa pagbibigay ng ayuda, lalong lalo na sa mga geographically isolated and disadvantaged areas,” wika ni Bautista. Ang naunang alon ng SAP ay nagtalaga ng 18 milyong benepisyaryo. Sa utos ng pangulo, dinagdagan ito ng lima pang milyon.

Sinabi naman ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na nasa 97% na ang naibigay mula sa naunang alon. Sa pangalawang alon, gagamit naman ng digital payment methods ang paamahagi ng ayuda upang maibsan ang pisikal na interaksyon sa pagitan ng mga awtoridad at benepisyaryo. “Ine-expect natin na since merong mga remittance centers, may mga bangko, sa mga highly urbanized cities ay mapadali nating maibibgay ‘yung ayuda sa mga benepisyaryo,” paliwanag ni Sec. Bautista.

Ang SAP, na nilikha sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act, ay magbibigay ng ₱5,000 hanggang ₱8,000 sa mga pamilyang kapos-palad upang makatulong sa gastusin ngayong kasagsagan ng pandemiya.

Ang inisyal na distribusyon ay inumpisahan noong Marso 28 na inasahang matatapos sa dulo ng Abril. Subalit, hindi ito nasunod kaya inurong muli ang deadline sa Mayo 7. Muli itong inurong sa Mayo 13 upang matapos ang pamimigay sa naunang alon. Binigyan naman ng DILG ang mga LGU hanggang Mayo 21 upang maisumite ang listahan ng mga makakatanggap mula sa pangalawang alon ng SAP.

Ilan sa mga problemang naiulat ng mga LGU sa pamamahagi ng ayuda ay ang hindi kumpleto o hindi tamang listahan ng mga itinalagang benepisyaryo at ang matagal na pagbibigay ng social amelioration forms.

Sinuguro ng DSWD na nakahanda na ang pondo sa pangalawang alon ng ayuda bunsod ng paglipat ng Department of Budget and Management (DBM) ng tinatayang ₱96 bilyon sa DSWD noong Abril 17.

LATEST

LATEST

TRENDING