Trump: WHO, “papet” ng Tsina

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
US President Donald Trump

Binanatan ni Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos ang World Health Organization (WHO) at tinawag itong  “papet” ng Tsina. Balak din nitong kanselahin ang suportang binibigay ng US sa naturang ahensya.

Ayon kay Trump, aabot sa $450 milyon, na pinakamalaking kontribusyon ng isang bansa, ang binabayad ng Estados Unidos sa WHO. Balak niya itong ipatigil sa kadahilanang hindi magandang pagtrato di umano ng ahensya sa US. Aniya, “They gave us a lot of bad advice (Mga payong walang saysay ang binigay ng WHO sa amin)”.

Binanggit ito ni Trump matapos ganapin ang unang taunang pagtitipon ng WHO simula noong lumaganap ang pandemiya sa buong mundo. Ang naturang pandemiya na nagmula sa Tsina ay nagdulot ng pagbagsak sa pandaigdigang ekonomiya at kumitil ng buhay ng aabot sa 316,000 katao.

LATEST

LATEST

TRENDING