Pamahalaan, itetest ang 1.5% hanggang 2% ng populasyon sa Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Palasyo ng Malacañang

1.5% hanggang 2% ng kabuuang mahigit 100 milyong populasyon ng bansa ang balak ipatest ng gobyerno sa Covid-19 virus. Iginiit ng Palasyo bilang depensa na imposibleng matest ang buong populasyon at wala pang ni isang bansa ang nakagagawa nito. Ito ay matapos sa naunang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ipinauubaya na ng pamahalaan sa pribadong sektor ang anumang hakbang ukol sa mass testing.

Umani ng batikos ng naturang pahayag kaya iginiit ni Roque na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito sa pamamagitan ng “expanded testing”. Tinatayang nasa 1,650,000 hanggang 2,200,000 tests ang isasagawa alinsunod sa kabuuang bilang ng populasyon na nalalapit sa 110 milyon. Sa kasalukuyan,  207,823 na indibidwal pa lamang ang natetest o katumbas ng 0.19% lamang ng kabuuang populasyon ng bansa.

Sinabi naman ng Palasyo na isa ang Pilipinas sa mga may pinakamahigpit na testing measures pagdating sa mga balikbayan. Ayon kay Roque, lahat ng umuuwing OFWs ay sumasailalim sa PCR-based testing na siyang “gold standard” sa larangan ng Covid-19 testing, di tulad sa ibang bansa na mga symptomatic lamang ang tinitest.

Sa kasalukuyan, nasa 30 na laboratoryo sa buong kapuluan ang may kapasidad na matukoy ang virus gamit ang RT-PCR tests.  Samantala, limang pasilidad naman ang pinayagang gumamit ng GeneXpert rapid test kits, kung saan makakakuha na nga resulta sa loob lamang ng 45 minuto.

Layunin ng pamahalaan na makapagtest ng di bababa sa 30,000 kada araw sa dulo ng Mayo. Hindi naman nito natupad ang naunang itinakdang target na 8,000 tests kada araw sa dulo ng Abril.

LATEST

LATEST