Pag-uwi ni Duterte sa Davao, bahagi ng trabaho

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Tahanan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City
Larawan kuha ng: Inquirer.net

Ang kamakailang pag-uwi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao ay bahagi ng kanyang opisyal na katungkulan bilang pangulo upang tignan ang kalagayan ng Mindanao sa pagtransisyon nito sa “new normal”, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Ito ay matapos umani ng batikos ang pangulo dahil sa pag-uwi nito sakay ang isang private plane sa unang araw ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Kalakhang Maynila.

Ipinagbawal ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang paglabas sa tahanan ng mga may edad 20 pababa at 60 pataas; at mga may malubhang sakit, maliban na lamang kung bibili ng mga pangunahing bilihin at serbisyo. Ipinagbabawal din ang mga “non-essential” na pagbiyahe mula sa mga lugar na nasa ilalim pa rin ng community quarantine. Subalit, pinapayagan naman ang pagbiyahe ng mga kawani ng gobyerno.

Inaasahan naman ang agarang pagbabalik ng pangulo sa Maynila bunsod ng nakatakda nitong pagpupulong kasama ang IATF-EID.

LATEST

LATEST

TRENDING