Mahigit 40% na tao, nagsipaglabasan ngayong MECQ – MMDA

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: cnnphilippines.com

Dalawang araw matapos ipatupad ang mas magaang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Kalakhang Maynila, umakyat sa 40% ang mga nagsipaglabasan sa kani-kanilang mga tahanan, ayon sa datos ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

“From ECQ na talagang less than 5 percent ‘yung lumabas, only essentials, ngayon sa estimates namin mga 30 to 40 percent ang lumabas,” sinabi ni MMDA Chairman Jojo Garcia sa isang panayam. Nilinaw ni Garcia na hindi lahat ng kalye ay nakaranas ng paninikip at nagkaroon lamang ng trapiko sa mga checkpoints.

Pinauwi naman ang mga indibidwal na walang bitbit na pass o permit pagkarating sa mga checkpoints. Dagdag pa niya, “Doon nagkakaroon ng problema, kasi nga ang daming sumabay… Majority pa rin ito ‘yung mga hindi authorized lumabas tapos sumasabay.”

Nakipag-ugnayan naman ang  MMDA sa Joint Task Force COVID Shield sa posibilidad na pagtanggal ng mga checkpoints sa mga pangunahing lansangan at paglipat sa mga ito sa mga mas maliit na daanan upang maibsan ang trapiko.

Samantala, kalbaryo naman ang kinaharap ng ilang milyong empleyadong nagsipagbalik-trabaho dahil sa mabigat na trapiko at kawalan ng pampumblikong transportasyon. Pinaalalahan ni Garcia ang mga non-essential workers na umalis lamang ng bahay kung kinakailangan at agad na umuwi pagkatapos ang lakad.

LATEST

LATEST

TRENDING