“Geotagging” sa Pilipinas bilang lalawigan ng China, ipinapatigil

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Presidential Spokesperson Harry Roque

Sinabihan ng Malacañang ang mga “fact-verifiers” o tagasiyasat ng fake news na markahan na ang mga geotag na kumikilala sa Pilipinas bilang “lalawigan ng Tsina” sa mga social media sites na Facebook at Instagram. Ang mga geotag ay madaling gawin sa mga social media apps sa pamamagitan lamang ng pagpindot ng “add location” kasabay ang pag-type ng kung anong lokasyon ang nais ilagay.

Tinawag ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pansin ng Vera Files at Rappler, mga tagapagsiyat ng fake news, na markahan na ang mga ito bilang fake news upang mapigilan pa lalo ang pagkalat ng mga naturang geotag. Noong nakaraang taon, nakipag-partner ang Facebook sa Vera Files at Rappler para sa isang third-party fact-checking program upang malabanan ang paglaganap ng fake news.

Kinundena naman ni Senador Risa Hontiveros ang mga nabanggit na geotag at sinabing dapat seryosohin ang usaping ito kahit na ginawa ang mga geotag bilang biro. Ayon sa kanya, nakakagalit ito dahil mayroong mga Pilipinong mangingisda ang inaapi ng mga Tsino sa West Philippine Sea.

Nanawagan siya na i-mass report ang mga geotag upang tuluyan na itong matanggal sa social media. Wika niya, “Kahit biro pa itong ‘Philippines Province of China’ na geotag, wag nating hayaang ma-normalize ito.”

Binalaan naman ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang mga Chinese nationals na magtatangkang seryoshin ang birong ito, sa pamamagitan ng pagpunta sa bansa nang walang visa, na posible silang ipa-deport.

LATEST

LATEST

TRENDING