ALAMIN: Ika-8 na ulat ni Duterte sa Kongreso

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Isinumite ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ika-8 na lingguhang ulat niya sa Kongreso noong Mayo 18 alinsunod sa nakasaad sa Bayanihan to Heal as One Act. Ito ang buod ng naturang ulat:

  • Mahigit 16.9 milyong pamilya mula sa kabuang 17.7 milyon ang nakatanggap sa unang alon ng Social Amelioration Program (SAP)
  • 69.71% ng target OFWs ang nabigyan ng ayudang pinansyal sa ilalim ng AKAP ng DOLE
  • Ayon sa DOF, 85% sa 24 milyong pamilya ang mapapasama sa pangalanwang alon ng SAP.
  • Ipinauubaya ng CHED ang panukalang mass promotion ng mga mag-aaral sa Higher Educational Institutions (HEIs)
  • Wala pa ring naitatalang pasyente ang mga quarantine facilities ng Philippine Arena, New Clark City, at Alta de Tagaytay
  • Ayon sa DOH, nagsagawa ito ng 7,809 tests bawat araw sa mula Mayo 8 hanggang 13 (Layunin nitong makapagtest ng 30,000 kada araw sa dulo ng Mayo)
  • Nakapag-accredit ng karagdagang 11 testing laboratories noong Mayo 14 ang DOH para sa kabuuang 34 testing laboratories sa buong bansa.
  • Sa badyet ng mga ahensya, pinakamalaki ang DSWD na mahigit P3 bilyon. Mahigit P500 milyon naman ang badyet ng DOH habang nasa P54 milyon ang DOST.

Basahin ang kabuuang ika-8 na ulat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso:

https://www.officialgazette.gov.ph/2020/05/18/report-to-the-joint-congressional-oversight-committee-may-18-2020/

LATEST

LATEST