Mga pamantayan sa construction at real estate, inilabas na

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
DHSUD Secretary Eduardo del Rosario

Naglabas ng limang mandatory requirements ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) upang maging gabay sa mga developers bago umarangkada iba’t-ibang aktibidad ng construction at real estate sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

Nilagdaan ni Housing Secretary Eduardo Del Rosario ang Department Order 2020-005, na nagtalaga ng mga mandatory construction guidelines at safety protocols na kinakailangang sundin ng mga lisensiyadong mga developer at construction worker. Sa naturang department order, kinakailangang pondohan ng contractor ang Covid-19 testing para sa mga manggagawa nito — na maaaring rapid testing o limang araw na quarantine. Kasama din sa nasabing order ang pagtatatag ng safe at hygienic on-site o near-site barracks at quarters para sa lahat ng manggagawa.

Dapat ding tiyakin ng mga developer ang pamamahagi ng sapat na assistance package para sa mga empleyadong magpopositibo sa Covid-19 sa kasagsagan ng trabaho nito. Ipinag-uutos naman ang pagkakaroon ng  “group health o self-insurance coverage” para sa mga construction worker; at ang striktong pagsusuot ng face masks at iba pang protective gear habang nasa trabaho.

Hinikayat ni Del Rosario na magbigay ng certification ang mga developers sa pagbabalik-operasyon ng construction. Aniya, “Issue or send a certification to our regional offices electronically that you have already complied with the requirements and you can resume construction works after 24 hours, (Magbigay ng certifification sa mga regional offices upang matiyak na kayo ay sumunod sa mga pamantayan upang makapagsimula na ang construction matapos ang 24 oras)”.

Binalaan naman ng kalihim ang sino mang lalabag sa health protocols at safety guidelines na sila ay pagmumultahin ng mataas at sasampahan ng cease and desist order. Iginiit din niya ang agarang pagpapatigil-operasyon sakaling may magpositibong manggagawa sa kasagsagan ng balik-operasyon. Magsasagawa ang DHSUD regional offices ng site inspections upang tiyaking sumusunod ang mga developers sa mga itinakdang alituntunin.

LATEST

LATEST

TRENDING