Manila bishop: Bagong patakaran sa mga religious gathering, hindi makatwiran

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Manila Apostolic Administrator Broderick Pabillo
Mula sa: ust.edu.ph

“Nakakatawa” at “hindi makatwiran” ang bagong kauutusan ng pamahalaan tungkol sa pagdadaos ng mga religious gathering ayon kay Manila Apostolic Administrator Broderick Pabillo. 

Sa ilalim ng omnibus guidelines on community quarantine na nilabas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) noong Mayo 15, hindi maaaring lumagpas sa limang katao ang mga religious gathering sa modified enchanced community quarantine (MECQ) areas. Sampung katao naman ang hangganan sa mga general community quarantine (GCQ) areas habang ipinagbabawal pa rin ang pagtitipon sa enhanced community quarantine (ECQ) areas.  

Ayon sa kanya, ang panukalang ito ay pagpapakita lamang na hindi seryoso ang pamhalaan sa pagbibigay pansin sa mga religious gathering. Iminungkahi niya ang pagpapatupad sa halip ang pagpapatupad ng isa hanggang dalawang metrong distansiya sa pagitan ng mga taong magtutungo sa simbahan imbes na limitahan sa napakababang bilang ang mga maaaring dumalo. 

“This is a problem with the government. They make arbitrary decisions without proper consultation with the sectors involved. So they come out with unreasonable directives! (Ito ang problema sa pamahalaan. Gumagawa sila ng pagpapasya nang hindi kinokonsulta ang mga apektadong sektor kaya nagkakaproblema!)” giit ni Pabillo. Ito ay tugon niya sa desisyong nilabas ng IATF-EID hinggil sa pamantayan ng mga religious gathering sa MECQ at GCQ areas.

Inanunsyo naman ng Palasyo noong Mayo 16 na maaaring magsagawa ng “home religious services” ang mga pari, rabbi, imam, at iba pang mga religious minister alinsunod sa health protocols katulad ng pagsusuot ng face masks at pagpapanatili ng social distancing.

Kasalukuyang sumasailalim ang Metro Manila at iba pang mga lalawigan sa MECQ simula Mayo 16, habang patuloy ang laban ng pamahalaan kontra Covid-19. Mahigpit pa rin ang patakaran ng paggalaw sa mga “high-risk areas”, subalit pinayagan nang magbalik-operasyon ang ilang industriya sa limitadong kapasidad.

LATEST

LATEST

TRENDING