Mahigpit na lockdown, maaaring ibalik sakaling tumaas muli ang Covid-19 cases

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: cnn.ph

Posibleng ipatupad muli ang mahigpit na lockdown sakaling magkaroon ng biglang pagtaas ng mga bagong kaso ng Covid-19, ayon sa Department of Health (DOH). Ito ay matapos talakayin ni DOH Spokesperson Maria Rosario Vergeire ang pagdagsa ng mga tao sa mga mall sa Kalakhang Maynila noong Mayo 16 bunsod ng pagtransisyon nito sa modified enhanced community quarantine (MECQ). Sa MECQ, piling manufacturing at processing plants lamang ang mapagbubukas sa kalahating kapasidad upang makapagtrabaho muli ang mga manggagawa nito matapos ang dalawang buwang lockdown.

Sa muling pagbubukas ang mga mall at iba pang pasilidad sa Metro Manila noong Mayo 16, inaasahan ni Vergerie na masusunod ang mga itinakdang patakaran para dito. “Sana nga po ang ating mga kababayan ay naiisip nila na kung kinakailangan at saka magpunta diyan. Nagpalabas po ang pamantayan ang Department of Trade and Industry para sa mga malls para sundin po nila ito para hindi magdagsa ang mga tao. So we are expecting the mall operators and the local government units at that should enforce these minimum health standards. para po hindi nagkakaroon ng ganyang crowd sa loob ng isang mall,” pahayag niya.

Pinaalalahanan din niya ang publiko na nasa quarantine pa rin ang buong bansa kahit na may iba’t-ibang klasipikasyon ang iba’t-ibang panig nito. “Ang sinasabi at kailangan natin laging tandaan ay naka-community quarantine pa tayong lahat. Kahit na sabihin natin na modified ito, na general ito, lahat po ng areas dito sa ating bansa still on community quarantine,” wika ni Vergerie.

Binigyang pansin din ng ilang mga mambabatas ang posibleng pagkakaroon ng pangalawang alon ng Covid-19 infections. Sinabi ni Senador Ralph Recto na hindi siya sigurado kung natapos na ba ang naunang alon. Iminungkahi naman ni Senador Ping Lacson sa IATF na pag-isipan muli ang pagpapayag sa mga mall na magbukas habang hindi pa tiyak ang kaligtasan. 

Binalaan naman ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga mall na sundin ang IATF guidelines o di kaya ay ipapasara ang mga ito. Sa utos ni DILG Secretary Eduardo M. Año, “All chiefs of police and PCP commanders should make rounds of all malls prior to opening and during operating hours. If the malls are not able to comply with the minimum health standards, the PNP can close the malls and charge the mall owners with violation of the Bayanihan to Heal As One Act (Lahat ng hepe at PCP commanders ay inaatasang magpatrolya sa mga malls. Kung mayroong lalabag sa minimum health standards, maaari nila itong ipasara at kasuhan ang mga may-ari ng paglabag sa Bayanihan to Heal As One Act”. 

Dagdag pa ni Año, mananatili ang checkpoints sa lahat ng lugar at ipapatupad din ang curfew. “Hence, everyone must bring with them their government-issued ID Cards or company IDs or other proofs of employment in industries allowed to operate so that the PNP will have a basis to allow you to go through, (Magdala palagi ng government-issued ID o company ID o kahit anong katibayan ng employment sa mga bukas na industriya upang mapayagang dumaan”, muli niyang pagpapaalala.

LATEST

LATEST

TRENDING