Harry Roque, nag-ala Kim Chiu sa pagbabala sa taumbayan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Sa muling pagbubukas ng mga mall nitong Mayo 16, muling pinaalalahanan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang publiko na nasa quarantine pa rin ang buong bansa kaya kinakailangan pa rin ang ibayong pag-iingat. Sa kanyang pahayag, ginamit niya ang sikat na katagang “bawal lumabas” na nagmula sa aktres na si Kim Chiu. “Sabi nga ng isang nag viral na post at alam ko naman kung kilala niyo kung sino siya. Bawal lumabas pero kapag nag comply ka at inayos ninyo, mag obserba ng proper hygiene, tulad ng paghugas ng kamay, pag susuot ng face mask or face shield at pagsunod sa social distancing at iba pang health protocols, mapapa-flatten natin ang curve at yung bawal lumabas ay magiging pwede nang lumabas,” wika ni Roque.

Nagbabala rin ang tagapagsalita ng pangulo na maaaring matulad ang Pilipinas sa ibang mga bansa na biglang nagsipagtaasan ang kaso ng Covid-19 dahil sa pagpapagaan ng quarantine restrictions. 

Noong Mayo 9, humingi ng dispensa si Chiu sa mga naging pahayag nito sa ginanap na Laban Kapamilya online protest sa Facebook na nagdulot ng kalituhan. Depensa ni Kim, nadala lamang siya ng emosyon. Giit ng aktres sa isang Instagram post, “Nadala lang po ng bugso ng damdamin. Sa dami ng sinabi ko yun lang talaga ang napansin niyo?. Kahit ano paman ang sabihin niyo OKAY LANG PO basta #LABANKAPAMILYA.”

LATEST

LATEST

TRENDING