DepEd, posibleng mag “mass testing” sa mga paaralan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Pinag-aaralan ng Department of Education (DepEd) ang magiging gastos sa posibleng pagsasagawa ng “mass testing” sa mga paaralan upang masiguro ang kaligtaasan ng mga mag-aaral, mga guro, at iba pang personnel kontra Covid-19. Sinabi ni Usec. Revsee Escobedo na maaaring maging magastos ang testing kasi kinakailangang i-retest ang mga taong pabalik-balik ng paaralan. “Halimbawa, negative ka sa araw na ito, uuwi ka sa bahay at komunidad, pagbalik mo ite-test ka ulit kasi baka ‘yong virus hindi mo ma-acquire sa school… kundi nandoon sa bahay at komunidad,” paliwanag niya.

Sinabi naman ni Usec. Nepomuceno Malaluan na magkakaroon ng testing protocol o component sa health standards, pero kinakailangang tiyaking maigi ang depenisyon ng “mass testing” upang hindi magkalituhan. Bilang paglilinaw, “It might be misinterpreted as testing all, which may be neither affordable nor needed (Baka isipin na ito ay pagtetest sa lahat, at ito hindi kaya ng pondo)”. 

Ipinagbawal ng DepEd ang face-to-face learning, o ang pisikal na interaksyon sa pagitan ng guro at mag-aaral, hanggang sa pormal na pagbubukas ng pasukan sa Agosto 24. Mula sa naturang petsa, papayagan lang ang pisikal na face-to-face learning alinsunod sa risk assessment ng mga lokal na opisyal kasama ang pagsunod sa minimum health standards. Ipinag-utos din ng kagawaran ang pagbabawas ng klase sa 15 hanggang 20 na mag-aaral upang matiyak ang social distancing.

Sa tala noong Mayo 17, aabot na sa 12,513 ang kumpirmadong kaso ng Covid-19. 824 na ang nasawi habang 2,635 naman ang gumaling.

LATEST

LATEST

TRENDING