Preliminary investigation ni Senador Koko Pimentel, itinakda sa Hunyo 18

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Senador Koko Pimentel

Binigyan ng ilang linggong palugit ng Department of Justice (DOJ) si Senador Koko Pimentel bago ang pagdinig nito ukol sa isinampang reklamo laban sa kanya dahil sa paglabag sa quarantine protocols. Muling binago ang petsa ng preliminary investigation na initakda sa Hunyo 18 sa halip na sa Mayo 20 ayon kay DOJ Prosecutor Benedicto Malcontento. Binigyang diin ni Malcontento na nakadepende pa rin ang posibilidad ng pagdaos ng preliminary investigation sa quarantine protocol na iiral sa Kalakhang Maynila sa susunod na buwan.

Ang dating dekano ng University of Makati School of Law na si Richo Quicho ang nagsampa ng reklamo laban sa senador noong Abril 6 dahil sa paglabag nito sa Republic Act 11332, o ang Mandatory Reporting of Notifiable Disease and Health Events of Public Health Concern Act.

Ang ugat ng reklamo ay dahil sa hindi pagbunyag ni Pimental sa totoo niyang kondisyon matapos nitong samahan ang kanyang asawang si Kathryna sa Makati Medical Center kahit na nagpositibo na ang senador sa Covid-19.

Sinabi naman ni DOJ Secretary Menardo Guevarra na reresolbahin ng DOJ ang isinampang reklamo nang naaayon lamang sa ipepresentang ebidensiya ng magkatunggaling panig.

LATEST

LATEST