Mga traysikel, balik-pasada na sa Marikina at Pasig

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Balik-operasyon ang mga traysikel sa lungsod ng Pasig at Marikina sa pagtransisyon ng Metro Manila sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Nagpost si Pasig City Mayor Vico Sotto sa social media ng mga pamantayang susundin ng mga operator at drayber ng traysikel, pati na rin ng mga pasahero, bilang pagtugon sa balik-pasada sa Mayo 18. Isang pasahero lamang ang maaaring isakay, maliban na lang kung may medical emergency at kinakailangang samahan ang pasyente. Maaari ding pumasada ang mga pribadong traysikel ngunit limitado rin sa isang pasahero at kinakailangang magpaskil ng karatulang “not for hire”. Ipinag-utos din ang paglalagay ng harang sa pagitan ng pasahero at drayber. Magbibigay naman ang pamahalaang lokal ng Pasig ng mga disinfectant alinsunod sa utos na pagdisinfect sa traysikel nang di bababa sa dalawang beses sa isang araw.

Tulad ng Pasig, balik sa kalye ang mga traysikel pati na rin ang mga pedicab ng Marikina matapos lagdaan ni Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro ang Executive Order 21, Series of 2020, na pinapayagan ang balik-operasyon ng mga traysikel at pedicab sa lungsod simula Mayo 17. Isang pasahero lang din ang maaaring isakay sa mga ito. Ipatutupad din ang social distancing at pagsusuot ng face masks. Bukod dito, striktong disinfection at sanitation ang isasagawa sa mga traysikel. Sasailalim din sa rapid testing ang mga drayber ng traysikel at pedicab nang libre upang masiguro ang kaligtasan kontra Covid-19.

LATEST

LATEST

TRENDING