Mayor Duterte-Carpio nag babala na ‘wag maging kampante sa GCQ

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media


DAVAO CITY – Nagpalabas ng Executive Order No. 33, series of 2020 si Mayor Sara Duterte-Carpio kung saan idenitalye nito ang mga panuntunan sa General Community Quarantine (GCQ) ng lungsod simula Mayo 16 hanggang Mayo 30, 2020 ayon sa bagong klasipikasyon na ibinigay ng national Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases nuong isang linggo.

Ang pagbaba sa lockdown ng lungsod ay syang dahilan kung bakit nakabalik ang kanyang ama na si  Pangulong Rodrigo R. Duterte pagkatapos ng malapit na dalawang buwan na kurintenas sa Malacañang Palace upang harapin at tugunan ang maraming problema sa bansa dahil sa Covid-19 pandemic. Sa susunod na linggo ay harapin ng pangulo ang kongreso upang humingi ng bagong pundo para sa ayuda ng 5 na milyon na pamilya na hindi nabigyan sa unang bugso ng Social Amelioration Program.

Ngunit nagbigay balala si Mayor Duterte-Carpio sa mga mamamayan na hindi maging kampanti sa bagong klasipikasyon ng lungsod dahil inutos na niya sa mga kapulisan ang mahigpit na pagpapatupad sa panuntunan na nasa bagong Executive Order niya.

Sa kanyang pahayag nuong Mayo 15, sinabi ng mayor na tatlong pasahero sa mercy flight ng Department of Transportation (DOTr) nuong Martes, Mayo 12, ay nakumpirma na Covid-19 positive ayon sa kanilang confirmatory polymerase chain reaction (PCR) test sa Southern Philippines Medical Center (SPMC)

Sinabi ng mayor sa kanyang radio interview na hindi nakapasa sa inisyal na health screening ang tatlong pasahero nang silay nakarating sa paliparan kaya dinala sila sa SPMC para sa karagdagang pagsusuri.

Ang mga bagong kaso na ito ay nakadagdag ng Covid-19 positive sa Davao City na 171, nuong Mayo 14.

Dahil dito, iniutos na rin ng mayor ang pagpalakas ng screening sa mga probable at suspected na pasyente sa buong lungsod gamit ang mga District Health Units ng City Health Office (CHO) para magsagawa ng contact tracing at screening gamit ang rapid test kits (RDT).

Nuong Mayo 13, gumawa ang Buhangin District-CHO ng screening test sa 20 na probable persons sa isang apartment sa Buhangin Proper kung saan naging negatibo naman ang resulta. Ang Barangay Buhangin Proper ay nasa High Risk Barangays ng lungsod na may 6 na kumpirmadong kaso ng Covid-19 positive.

LATEST

LATEST

TRENDING