Maaring iba ang maging “mall experience” ng mga parokyano bunsod ng pagpapatupad ng mga safety measures. Bukod dito, non-leisure shops lang ang maaaring magbukas sa 50 porsyentong kapasidad. Take-out at drive-through naman ang papayagn para sa mga restaurant na nais magbukas.
Simula noong ipatupad ang unang ECQ noong Marso 15, nanatiling sarado sa loob ng dalawang buwan ang mga malls sa Metro Manila. Ilang SM Stores, Megaworld malls, at iba pang commercial centers ang nakatakdang magbukas kaakibat ang ilang patakaran upang masiguro ang kaligtasan ng mga parokyano, retail partners, at mga empleyado laban sa COVID-19.
Pagsusuot ng face masks, pagkuha ng temperatura, at paggamit ng disinfectants at sanitizing foot mats ay striktong ipapatupad. Oobserbahan din ang “physical distancing” sa pamamagitian ng markers sa sahig na magsisilbing gabay kung saan dapat tumayo.
Sinabi ng SM na kasalakuyang nitong nililinis ang kanilang mga malls bago ang nakatakdang pagbubukas. Sasailalim din sa antibody rapid testing ang lahat ng empleyado nito kabilang ang agency frontliners tulad ng mga janitor at security guards.
Samantala, nais magpatupad ng contactless purchases ang Megaworld sa pamamagitan ng mobile o cashless transactions sa mga piling establishimento. Nagtalaga din ito ng mga pick-up counters at drive-thru stations para sa online takeout orders at deliveries. Kinakailangan ding magpresenta ng valid IDs at mga edad 21 hanggang 59 ang papayagang makapasok alinsunod sa utos ng pamahalaang nasyonal. Mananatiling nakapatay naman ang wi-fi at tataasan ang temperatura ng mga aircon para siguruhing walang tatambay.
Sa Taguig City, manantiling sarado ang mga malls sa katapusan ng linggo habang inaantay ang paglabas ng mga pamantayan ng modified enhanced community quarantine, ayon sa ilang opisyal. Sa isang payahag, sinabi ng mga awtoridad na kinonsulta nila ang Ayala Malls, Megaworld Lifestyle Malls, SM Supermalls and Vista Mall tungkol sa isyu.
Samantala, supermarkets at essential businesses lamang ang bubuksan sa mga malls. Sa inaasahang pag-dagsa ng mga parokyano, mas papaigtingin ng pulisya ang kanilang presensya sa mga establishimento, lalo na sa mall entrances. Ito ay upang matiyak ang pagsunod sa mga patakaran.