GCQ, hindi na ang “new normal” – IATF-EID

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Source: pna.gov.ph

Magkakaroon lamang ng “new normal” sa pagtatapos ng community quarantine sa buong bansa, ayon sa revised guidelines na nilabas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID). Ito ay matapos sa naunang pahayag ng IATF-EID,  na pagturing sa general community quarantine (GCQ), o ang mas magaang community quarantine, bilang “new normal”.

Sa ilalim ng Resolution 37 na nilabas ng IATF-EID noong Mayo 15, ipinatutupad sa lungsod ng Cebu at Mandaue ang enhanced community quarantine (ECQ), o ang pinakamahigpit na uri ng community quarantine, mula Mayo 16 hanggang 31. Samantala, modified ECQ (MECQ) naman ang umiiral sa Metro Manila, Laguna, Bataan, Bulacan, Nueva, Ecija, Pampanga, Zambales, at Angeles City mula Mayo 16 hanggang 31.  Ang ibang lugar na hindi kabilang sa mga sumasailalim sa ECQ o MECQ ay nagpapatupad ng GCQ. Bago ideklara ang isang lugar na nasa ilalim na ito ng “new normal”, kinakailangan muna itong sumailalim sa modified GCQ (MGCQ).

Malawakang pagtitipon

Ang mga MGCQ ang pinakamagaang uri ng community quarantine sapagkat pinapayagan na nito ang lahat na makalabas ng kani-kanilangmga tahanan. Maaari na rin silang magsagawa ng outdoor exercises, kabilang ang non-contact sports tulad ng golf, tennis, table tennis, at swimming. Subalit, dapat pa ring sundin ang minimum public health standards.

Sa MGCQ, pinapayagan na rin ng malawakang pagtitipon ngunit dapat sa kondisyong 50% lang ang dadalo base sa seating capacity ng venue. Ibig sabihin, papayagan na muli ang movie screenings, concerts, sporting events, entertainment activities, community assemblies, religious gatherings, at non-essential work gatherings.  Susundin din ang 50% seating capacity sa mga dine-in service ng mga food retail establishments kagaya ng supermarkets, grocery stores, at food preparation stalls

Pampubliko at pribadong transportasyon

Sa MGCQ, balik-operasyon na rin ang lahat ng uri ng pampublikong transportasyon kaakibat ang striktong pagsunod sa one-meter physical distancing. Pinayagan din ng IATF-EID ang paggamit ng mga private company shuttles, personal vehicles, bikes, and non-motorized vehicles in areas under MGCQ.

Klase at trabaho

Maari na ring gawin sa ilalim ng MGCQ ang pagsagawa ng residential o face-to-face classes sa mga higher education institutions (HEIs), kasama ang pagsunod sa minimum health standards, consultation sa local government units, at pagtupad sa mga patakarang itinakda ng Commission on Higher Education (CHED). Gayunpaman, ipinagbabawal pa rin ang mass gatherings sa mga HEIs. 

Sa mga pampubliko at pribadong opisina, puwede na ang “full capacity” ng physical work na may kasamang alternatibong opsyon para sa mga senior citizens, mga indibidwal na may health risks, at mga buntis. Ang trabaho sa pamahaalan ay maaaring itakda sa full operational capacity o di kaya ay alternative work arrangements alinsunod sa mga patakaran ng Civil Service Commission. Pinahihintulutan na rin ang mga accredited diplomatic missions at international organizations. 

Sa mga construction projects, oobserbahan ang mahigpit na pagsunod sa mga safety guidelines na nilabas ng Department of Public Works and Highways (DPWH) patungkol sa implementasyon ng infrastructure projects sa kasagsagan ng Covid-19 pandemic.

LATEST

LATEST

TRENDING