Duterte, nakauwi na sa Davao matapos ang dalawang buwan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Roa-Duterte

Nakauwi na sa lungsod ng Davao si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang mahigit dalawang buwan sa Malacañang bunsod ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon noong Marso. Inaasahang babalik ng Maynila ang pangulo upang makipagpulong sa mga miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na hindi pa tiyak kung kailan gaganapin.

Nagbalak umuwi sa Davao si Duterte noong Abril 7 upang salubungin ang ika-16 na kaarawan ng bunsong anak na si Veronica noong April 10. Subalit, ipinagpaliban niya ito at piniling manatili sa Malacañang upang mabantayan ang iba’t-ibang hakbang ng pamahalaan kontra Covid-19.

Ipinasailalim na ang Metro Manila, Laguna, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, at Zambales sa modified ECQ (MECQ) simula Mayo 16 hanggang 31, alinsunod sa Resolution 37 ng IATF-EID. Samantala, ang mga lungsod ng Cebu at Mandaue naman ay mananatili pa rin sa ilalim ng ECQ. General community quarantine (GCQ) naman ang umiiral sa iba pang mga lugar na hindi kabilang sa mga sumasailalim sa ECQ o MECQ.

Binanggit ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa programang Laging Handa ng PTV-4 noong Mayo 16, na wala pang lugar sa bansa ang nasa ilalim ng tinaguriang “new normal.” Kinakailangan munang magpatupad ng modified GCQ pagkatapos ng GCQ upang masabing nasa “new normal” na ang lugar.

LATEST

LATEST

TRENDING