Duterte, hihingi ng tulong sa Kongreso para sa pangalawang tranche ng SAP

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Roa-Duterte

Hihingi ng karagdagang pondo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kamara para sa pagpapatupad ng pangalawang tranche ng ayudang pinansyal mula sa pamahalaan. Ito ay matapos sabihin ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang inapubrahang badyet ay limitado at maibibigay lamang sa mga pamilyang kapos-palad sa ECQ areas. 

Noong nakaraang linggo, kinansela ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang pagkalap ng supplemental budget mula sa Kongreso na magsisilbing sanang karagdagang pondo sa ₱1.49 trilyong badyet para sa COVID-19 pandemic. Ito ay dahil sa kawalan ng supplemental revenue.

Nabanggit din ni Roque na inatasan ng pangulo si Budget Secretary Wendel Avisado na alamin kung magkanong pondo ang maaring i-realign mula sa kasalukuyang badyet upang mas mapalawig ang pamamahagi ng ayudang pinansyal. Kamakailan lamang ay inanusyo ni Roque na magdadagdag ng limang milyong benepisyaryo para sa kabuuang 23 milyong pamilya na makakatanggap ng ayudang pinansyal.

Ang pagsasabatas ng Bayanihan to Heal as One Act noong Marso 26, 2020 ay nagbigay ng karagdagang kapangyarihan sa pangulo na i-realign ang pondong sakop ng 2019 at 2020 badyet sa loob ng tatlong buwan. Sa parehong batas din nakasaad na 18 milyong kwalipikadong pamilya ang mabibigyan ng buwanang ayuda mula ₱5,000 hanggang ₱8,000 sa loob ng dalawang buwan. Ang unang tranche ay itinakdang ipatupad noong Abril at ang panagalawan naman ay sa Mayo. 

Nitong Miyerkules, Mayo 13, nasa 6.5 milyong pamilya na ang nakatanggap ng ayudang pinansyal at ₱93.5 billion na ang nailabas sa unang tranche nito, base sa tala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). 

LATEST

LATEST

TRENDING