Bong Go: “Balik Probinsya” bahagi ng long-term program

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Ayon kay Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, ang utak ng Balik Probinsya, Bagong Pag-asa (BP2) Program, dapat itong tignan bilang long-term program na magbibigay lunas sa problemang nararansan sa urban at rural areas. Higit pa ito bilang solusyon sa krisis ng Covid-19. Ito ay magsisilbing tugon sa mga problema katulad ng pagsisikip, kakulangan sa serbisyo publiko at pabahay, paglaganap ng criminalidad, kalinisan, pagkasira ng kalikasan, at di pantay na pag-unlad sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Binigyaang diin ni Go na ngayon ang tamang panahon upang wakasan ang mga naturang problema dahil sa nararanasang health crisis.

Giit nit Go, layunin ng programa ang pagsulong sa pagpapaunlad ng mga rehiyon, pantay pantay na oportunidad pangkabuhayan sa lahat ng panig ng bansa, at pagbibigay pag-asa sa sambayanan na makaranas ng maginhawang buhay sa pagtatapos ng pandemiyang hatid ng Covid-19. Aniya, higit pa ito sa simpleng relokasyon mula urban patungo sa rural areas. Nais tiyakin ng programa na mabibigyan ng maayos na mapapagkakitaan ang mga magsisipag-uwain sa mga lalawigan kaya nagbuo ng inter-agency council upang masiguro ang maayos na implementasyon nito.

Sa ilalim ng Executive Order 114, mayroong apat na key areas para sa BP2 program: Pagpapaunlad ng lokal na industriya; seguridad sa pakain at pagiging produktibo ng agrikultura; kapakanang panlipunan, pangkalusugan, at pangkabuhayan; at pagpapalawak ng imprastraktura. Sa short-term phase, pagtutuunan ng pansin ang pagpapabuti ng pangkabuhayan para sa mga magsisipagbalik sa kani-kanilang mga lalawigan. Sa medium-term phase naman, papatatagin ang pagbibigay ng pangunahing serbisyo publiko sa iba’t-ibang panig ng bansa – tulad ng edukasyon, pabahay, pangkabuhayan, at pangkalusugan. Ito ay upang maibsan ang pagsisikip sa Metro Manila dahil sa pagdagsa ang mga tao lalo na ang mga kapos-palad upang maghanap ng hanapbuhay. 

Nais ding paunlarin ng BP2 porgram ang MSME-oriented industries sa mga lalawigan at ang pagtataguyod ng mga special economic zones sa Visayas and Mindanao. Ang mga MSMEs o micro, small and medium enterprises ay kumakatawan sa 95% ng lahat ng mga rehistradong firms sa bansa. Upang mahikayat ang mga industriya na magtungo sa lalawigan, kinakailangan din ang decentralization kasama na ang rationalized at results-based tax incentives para sa industriya ng agrikultura at turismo.  Sinabi ni Go na kokonsultahin niya ang lahat ng stakeholders lalo na ang mga nasa academe, upang masiguro ang maayos na pagpapatupad ng programa.

LATEST

LATEST

TRENDING