
Naglabas ng bagong resolusyon ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) alinsunod sa pagpapagaan ng quarantine restrictions sa ilang lugar. Nakasaad sa Resolution No. 37 na sasailalim ang Cebu City and Mandaue City sa enhanced community quarantine mula Mayo 16 hanggang 31. Inaasahang mas mahigpit na protocols ang mararanasan sa lungsod ng Cebu, unang napabilang sa mga lugar na sasailalim sa modified ECQ.
Nagdagdag din ang IATF ng ilang lugar na sasailalim sa modified ECQ. Bukod sa Metro Manila at Laguna na unang inanunsyong mapapabilang sa modified lockdown, may mga “transitioning high-risk” sa Central Luzon ang isinama. Ang mga ito ay ang Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Zambales, at Angeles City.